Iglap

kapitalexpi. :c

sana ganoon kadali ang lahat
ang pagpigil sa mga luhang
nag-uunahan sa pagpatak,
ang pagsupil sa tibok ng pusong
may nakakabinging iyak…
sana ganoon kadali ang lahat…
ang paglimot sa kwentong nakatatak sa aking isip,
ang paglimot sa eksenang nakapaloob sa aking pagkakaidlip…
sana madali lang ang lahat,
ang pagtanggap sa katotohanang wala ka na
isang bagay na tatanggapin,
ngunit hindi ko kaya…
sana ganoon kadali ang bawat bagay sa mundo…
ang sabihing hindi na kita mahal,
sabihing ayoko na sa’yo…
sana madali lang ang mga ito,
ang baguhin ang pagpihit ng mundo…
ang limutin lahat ng mga sinabi mo…
sana madali lang ang mga bagay na ito,
tulad ng pagkupas ng pag-ibig mo…
sandaling nag-init, sandaling nagpasabik,
hanggang sa natapos ang lahat,
nawala lamang sa isang iglap…

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.