Bukas
Miss Murder
Tuluyan nang lumubog ang araw,
Muli ang gabi’y puno ng lungkot at panglaw
Habang binabalot ng dilim ang kalangitan,
Patuloy lumalalakas ang awit ng katahimikan
Unti-unti nagsindi ng liwanag ang mga bituin,
Nagliwanag din ang buwan sa gabing lumalalim
Ihip ng hangin ay walang pag-iiba
Ramdam ko pa rin ang aking pag-iisa
Walang dapat ipagkabahala
‘pagkat ang gabi’y matatapos din
Ilang saglit na lamang
At ang bagong araw ay darating
Haba ng gabi’y huwag ipagkabahala,
Bukas, ito’y isa na lamang ganap na ala-ala…
